Monday, September 14, 2009

Dapat Ba Nating Hatulan Si Bro. Eli Soriano?

Hay nakoh...

Paano ko kaya sisimulan ito?

Hmmm...

Papaano nga ba ang dapat nating isipin sa isang lider ng relihiyon na nagkakaroon ng katakot-takot na kaso sa hukuman ng tao?

Dapat ba nating kaagad paniwalaan ang mga ikinakaso sa kanya?

Sa bagay... mayroon ngang kasabihan sa Ingles, "A person accused of something is presumed innocent until proven otherwise"... Tama ba 'ko ng pagka-alala?

Anyways...

Hindi lang 'yan ang gusto kong i-punto...

Kung ang pagbabatayan natin ay ang Biblia...

Paanong nag-react ang mga personahe sa Biblia nang usigin ang mga sugo at lingkod ng Dios?

Una, dapat nating itatak sa ating mga kaisipan na ipinag-pauna na ng Panginoong Hesukristo na uusigin ang kanyang mga lingkod.

Ito ay mababasa sa...

Juan 15:20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.

Iyon naman pala eh. Hindi na kataka-taka kung pag-usigin man ang mga lingkod ng Dios dahil sinabi na ito ni Cristo noong una pa lang.

Kaya kung idemanda man si Bro. Eli Soriano, hindi na dapat pa tayong magulat dahil natutupad lang sa kanya ang pangyayaring naganap din naman sa Panginoong Hesukristo.

Ang tanong... Totoo ba naman ang mga demanda o pag-uusig na dadanasin ng mga lingkod ng Dios?

Mateo 5:11-12 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. 12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

Hindi naman pala totoo, kundi pawang kasinungalingan lang.

Sa ibang salita... Imbento!

Eh baka sabihin nyo naman unfair ako... na sinasabi ko lamang ito dahil member ako ng ADD...

O sige, for the sake of truth and fairness...

Ang tanungin naman natin sa Biblia ay ang mga taong hindi pa kasamang mga lingkod ng Dios...

Ano ang hatol nila?

Gawa 5:33-39
33 Datapuwa't sila, nang kanilang marinig ito, ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin.
34 Datapuwa't nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo, na nagngangalang Gamaliel, doktor sa kautusan, na pinapupurihan ng buong bayan, at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao.
35 At sinabi niya sa kanila, Kayong mga lalaking taga Israel, ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito, kung ano ang inyong gagawin.
36 Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.
37 Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat.
38 At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak:
39 Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios.


Kitam...

Ito ay isa sa pinakamagandang halimbawa ng patas na pagtingin sa isang inaakusahan at hindi pa napapatunayan.

Ganyan ang dapat nating maging pagtingin kay Bro. Eli Soriano na inaakusahan ng kung anu-ano na hindi pa napapatunayan.

Ang araw ang magsasaysay kung siya'y sa Dios o hindi.


Hindi naman namin hinihiling na kumampi kayo sa amin...

Ang tanging hiling lang namin ay isang patas na pagtingin kay Bro. Eli Soriano.

Kaya nga, kung magkaroon man ng mga kasong ganito, na hindi natin alam kung ano ang totoo at hindi totoo sa buong pangyayari...

Ito ang payo ng Biblia...

I Corinto 4:5 Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.

Huwag muna nating hatulan si Bro. Eli Soriano.

Dahil kung totoo man ang mga ibinibintang sa kanya, ay sigurado namang mananagot siya pagdating ng Panginoon.


Pero kung ako naman ang tatanungin... ito naman ang masasabi ko...

Juan 9:24-25 Dahil dito'y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito. 25 Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako.

Mayroong taglay si Bro. Eli Soriano na wala sa ibang mangangaral... At ito ay ang paliwanagin ang mga bulag na puso ng mga tao.

Efeso 1:18 Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal,

At sumasampalataya akong hindi magagawang magpaunawa at magpaliwanag ng mga salita ng Dios ng isang mangangaral, kung siya ay masama.

Daniel 12:9-10 At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. 10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.


Friday, September 4, 2009

Wala lang...

Matutulog na 'ko.. Gudnyt...

This is it!

I am a writer now and will become the writest tomorrow!

Color test

Just to make sure na hindi masakit sa mata.